Batang Quiapo behind the Scene,Reaksyon Ni Lovi Poe Ng Makita Ang Viral Tarpaulin Sa Langit!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Jerome

 


Ibinahagi ng actress na si Lovi Poe sa kanyang Instagram account ang kanyang actual na naging reaction ng una niyang makita ang nagviral na tarpaulin.


Makikita nga sa ibinahaging video na behind the scene na nagulat at napatawa nalang siya ng makita niya ang gagamiting tarpaulin para sa debut ng kanyang character sa Batang Qiuapo bilang si Mokang.


Ito ang ipinagawang tarpaulin ng pamilya ng kanyang character na si Mokang para sa gaganaping debut nito.


Ngunit ikinawindang ng actress ang hitsura ng tarpaulin kasi  nagmuka daw pang burol ang naging design nito.


Kaya naman may mensahe siya sa kanyang kuya na siyang nagpagawa ng tarpaulin para sa kanyang debut sa character niyang si Mokang. 


Sabi niya, "Kuya @pingmedina, birthday ko kasi diba? Bakit naman parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko? LOL 😂 #FPJsBatangQuiapo"


Samantala heto naman ang caption ng ibinahaging video ng actress. "Last na poe, promise 😂 Reaction video ni Mokang sa pa-tarpaulin."


"Pero seryoso guys, ito yung first time ko din talaga siya makita noong winalk through kami ni @cocomartin_ph. Di ako maka get over ðŸĪŠðŸĪ­ #FPJsBatangQuiapo"


Nagviral naman ang eksena kung saan ay pinag-usapan ng pamilya ni Mokang ang pagpapagawa ng tarpaulin.


Ito nga ang eksena kung saan ay inutusan ng ama ni Mokang ang kapatid niyang lalaki na si Edwin upang ito ang magpagawa ng Tarpaulin. 


Heto ang kanilang naging usapan, "Edwin pagawa ka ng tarpaulin dun sa may bungad palang para makita kaagad yung mukha ni Mokang. Idi-display natin Monica Dimaculangan ."


Sabi naman ng ina ni Mokang, "Nak siguraduhin mo yung litrato niya ha, mukhang masayang-masaya siya."


Dagdag naman ng ama ni Mokang, "Tapos pa lagyan mo ng design, yung magaan, yung lumilipad na ibon papunta sa ulap."


Dagdag pa ng ina ni Mokang, "Tama yung parang prinsesa."


Sagot naman ng kuya ni Mokang na siyang inutusan para magpagawa ng tarpaulin, "Kuha ko na, kuha ko na yung gusto niyo, nay, tay ako ng bahala."


Kaya iyun na nga ang kinalabasan ng ipinagawang tarpaulin para sa debut ni Mokang.


Komento naman ng mga netizens na sinunod lang naman pala daw ni Edwin ang inutos sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo