Producer Joed Serrano at Pinty Soriano Hindi Naging Maganda Ang Working Relationship?

Huwebes, Abril 6, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang producer na si Joed Serrano sa kumakalat na isyu sa pagitan nila ng ina ni Toni Gonzaga, na diumano'y may hindi sila pagkakaunawaan sa naganap na 20th Anniversary Concert ng actress-singer noong January.


Matatandaan na noong katatapos lamang ng concert ni Toni Gonzaga naging usap-usapan ang hindi pagsipot ni Joed gayung siya ang producer nito.


Kaya naman sa naganap na presscon para sa comeback movie project nina Christopher De Leon at Vilma Santos nilinaw na ni Joed ang isyu.


"Kung itatanong mo kung bakit wala ako doon noong araw na 'yon, kasi Ate alam na namin na birthday niya 'yon. Kasi remember December dapat tapos naglipat kami ng January."


"Birthday niya noong January 20. Birthday ko naman ng January 21 and walang flight pa-Bicol. So sabi ko, ang lungkot naman na ise-celebrate ko ang birthday ko ng wala ang family ko nasa Bicol."


"So sabi ko, 'Okay lang ba Ate to fly na lang?' kasi ayun na lang ang last fight which is January 20 ng morning. Okay naman and pumayag naman sila,"  pagkukwento ni Joed.


Nilinaw din niya na walang tampuhan sa pagitan nila ni Mommy Pinty sadyang hindi lamang umano nagkakatagpo ang kanilang schedule.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo