Influencer na si Cholo TV, Nakulong Matapos Gawin Ang Isang Challenge!

Huwebes, Abril 6, 2023

/ by Lovely


 Nakulong ang isang social media influencer matapos gumawa ng isang challenge online.


Nakulong ang social media influencer na kilala bilang Cholo TV matapos ipinakita sa kanyang mga followers ang 'Punit Pera Challenge'.


Nitong April 4, 2023 ay nahuli  si Arnold Rogero o kilala bilang Cholo TV ng mga miyembro ng PNP sa kanyang tirahan sa Barangay Commonwealth, Quezon City.


Inihain ng mga awtoridad ang warrant ng korte laban kay Rogero dahil sa paglabag niya sa Presidential Decree 247, na nagbabawal at nagpaparusa sa “defacement, mutilation, tearing, burning o destruction of central bank notes and coins.”


Kinailangan ng 30000 pesos bilang pyansa upang pansamantalang makalaya si Cholo TV.


Kung mapapatunayang siya ay guilty sa nasabing kaso, maari siyang makulong sa loob ng limang taon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo