Pelikula ni Alex Gonzaga Sa Summer MMFF Nangangamoy Flop Rin Kagaya Ng Kay Toni?

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Lovely


 Isa sa mga natalakay sa programa nina Manay Cristy Fermin ang pelikula na kinabibilangan ng actress-vlogger-host na si Alex Gonzaga.


Ayon sa mga naging pahayag ni Manay Cristy Fermin, nangangamoy flop na din umano ang pelikulang kinabibilangan ni Alex Gonzaga na katulad lamang sa nangyari noon sa pelikula ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.


Kasalukuyang pinapalabas na ngayon sa mga sinehan ang walong pelikulang kalahok sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival.


Isa sa mga pelikulang ito ay ang pelikulang Single Bells na pinangungunahan nina Alex Gonzaga, Aljur Abrenica at Angeline Quinto.


“Hindi pa man po nagsisimula ang festival na ito ay putok na putok na po ang balita na ‘yung pelikula raw ni Alex Gonzaga ay nangangamoy flop,” maanghang na pahayag ni Manay Cristy Fermin.


Samantala, komento naman ni Wendell Alvarez na tila nakakabit na sa pangalan ni Alex ang ginawa nito sa waiter noong kaarawan niya.


Ipinunto pa ni Manay Cristy Fermin na tila hindi pa handa ang publiko na tanggapin ang paghingi ng paumanhin at pagsisisi ni Alex Gonzaga.


Hindi lamang din umano si Alex ang may dalang negative impact sa mga netizens kundi maging sina Aljur Abrenica at Angeline Quinto rin.


Matatandaan na hindi nagustuhan ng mga netizens ang pagback-out noon ni Aljur sa pelikulang 'Apag' at ang pakikipagrelasyon nito sa batang aktres na si AJ Raval.


Samantalang hindi naman umano kasikatan si Angeline Quinto.


“Silang tatlo? Kaya pala talagang aalatin.” 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo