Ogie Diaz Pinagmo-move On Ang Ina Ni Jake Zyrus!

Lunes, Abril 17, 2023

/ by Lovely

Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz at ng kanyang mga kasamahan sa kanilang Showbiz Update vlog ang naging tugon ni Jake Zyrus sa pangungumpara ng kanyang ina sa kanyang naging performance noon bilang Charice Pempengco sa ibang mga singer.


Matatandaan na kaagad na nag-react ang ina ni Charice Pempengco na kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus sa naging performance ni Morissette Amon sa concert ni David Foster.


Pinagkumpara nito ang performance ng dalawa at pinuntong kailanman ay walang katulad at nakakapantay sa boses ng kanyang anak.


Samanta, kamakailan lamang ay naglabas naman ng reaksyon si Jake Zyrus sa mga taong pinipilit umano siya ibalik si Charice.


"And to actually compare the old me to some of the greatest singers out there, hindi lang disrespectful sa akin 'yon! Disrespectful din sa kanya."


"You're literally comparing these singers to the person that do not even exist anymore. Do you guys even think about that?" naging pahayag ni Jake sa isang panayam.


Bagama't hindi naman pinangalanan ni Jake Zyrus kung sino ang kanyang tinutukoy, alam naman ng lahat na ang ina niya mismo ang unang nagkumpara sa kanya sa ibang singers.


"Akala ni Mommy Raquel na 'Mommy thank you ha,' magpapasalamat pa si Jake. Ayan tingnan mo.'Yan nga yung sinasabi ko. Nagkukumpara si Mommy. Sana ibang tao ang nagkukumpara hindi siya," saad ni Ogie. 


Pagpupunto pa ni Ogie Diaz na dapat na ring mag mature at mag move on ni Mommy Raquel.


"Mommy, Kasi naman 'di ba as we age, dapat kayo rin mismo nagma-mature. 'Di ba? Saka, Can you just move on?"


"Ano ba, nagbago na ng anyo 'yung anak mo. 'Di ba, happy na siya sa kanyang bagong ano piniling mundo at pagkatao. So tanggapin mo na 'yun na nag-iiba na ng timbre ng boses kasi nga 'yung Charice, Jake na. E sinabi nga ni Jake 'di ba? Patay na 'yung Charice," dagdag pa ni Ogie Diaz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo