Ogie Diaz Nag-react Sa Ibinahaging Post Ni John Estrada Sa Gitna Ng Marital Problem Issue Nila Ni Priscilla!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng kani-kanilang mga saloobin sina Ogie Diaz at mga kasamahan niya sa kanilang Showbiz Update hinggil sa ibinahaginhg post ng aktor na si John Estrada sa kanyang social media account.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nagulat ang ilang mga Marites nang biglang magbahagi ng sweet photo nila ni Priscilla kasama ang isang sweet caption sa gitna ng isyung may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.


Lumalabas na may pinagseselosan si Priscilla na isang content creator na nakabase sa Cebu.


Samantala sa kamakailang episode ng Showbiz Update nina Ogie Diaz, inilahad nila ang kanilang mga saloobin at ilang komento ng mga netizens sa ibinahaging post ni John Estrada.


"Teka, pinakikinggan ko eh. Parang tunog babae eh. Hindi ba pinakialaman ni Priscilla yan 'te? Kasi parang tunog babae yun gawa nung caption eh," pahayag ni Tita Jegs.


Natawa naman si Ogie Diaz at pabirong pinagsabihan ang kasamahan.


Gayunpaman, tinanong pa rin siya ni Tita Jegs kung ano ang kanyang masasabi sa post ni John Estrada.


"Pero ikaw 'nay, kung ikaw ang tatanungin, sa tingin mo? Ganun mag-post si John Estrada?"


Agad naman sinagot ito ni Ogie at ibinigay ang kanyang saloobin sa post ni John. Aniya naniniwala siyang si John talaga ang nagpost dahil account naman umano ito ng aktor.


"Oo, kasi inglesero si John pag nagpo-post. Tsaka jusko naman, IG niya yan eh nakikialam pa tayo. Nakakaloka. Hay nako, wag na nating pag-isipan ng masama. IG ni John yun so maniwala tayo na si John ang sumulat ng caption," pagpupunto ni Ogie Diaz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo