Ogie Diaz, Hindi Pa Rin Kumbinsido Na Hiwalay Na Sina Liza Soberano at Enrique Gil!

Miyerkules, Abril 19, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ni Ogie Diaz na hindi siya naniniwalang naghiwalay na sina Liza Soberano at nobyo nitong si Enrique Gil.


Samantala, hanggang ngayon ay iniintriga pa rin ang hiwalayan nina Liza Soberano at Enrique Gil dahil sa pananahimik ng dalawa at tila hindi man namataan nagkita sa pag-uwi ni Liza sa bansa.


Ayon kay Mama Loi marami sa mga LizQuen Fans ang nagdududang lihim na naghiwalay na ang dalawa.


Isa pa sa mga nagbibigay rason sa pagiisip na ito ng mga netizens ay ang hindi man lamang pagbati ni Liza kay Enrique noong kaarawan nito.


Subalit, pagtatanggol ni Ogie Diaz sa dalawa na baka naman ay nagkakausap naman ito through private messages dahil nauna nang ipinahayag ni Liza na hindi muna siya magbabahagi ng anuman tungkol kay Enrique upang makalayo siya sa kanilang loveteam.


Dagdag pa nito, na nakafollow pa naman ang dalawa sa isa't-isa kaya hindi pa sila naghihiwalay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo