Nadine Lustre Inamin Na Natatakot Sa Panganganak, Mag-aampon Na Lang!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng award-winning actress na si Nadine Lustre sa isang panayam na mas pipiliin niya ang pag-aampon dahil natatakot siyang manganak.


Si Nadine ang naging guest sa vlog ng Kapuso actress na si Bea Alonzo. Nagpa-lie detector test si Bea sa kanyang mga nagiging guest, tulad ni Nadine.


Dito naitanong ni Bea kay Nadine ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.


Aminado naman si Nadine na  nasaa punto na siya kanyang buhay kung saan nagpaplano na sa pagbuo ng isang pamilya. Gayunpaman, inamin ni Nadine na hindi pa siya handang magbuntis at manganak.


Mas pipiliin pa umano niya ang pag-aampon kaysa sa pagkakaroon ng sariling anak dahil sa kanyang takot.


 “First of all, takot akong manganak. Yun talaga yung pinaka-reason ko kung bakit ayaw ko magkaroon ng kids na sarili. Takot ako mabuntis, takot ako manganak,” pagsisiwalat ng aktres.


Gayunpaman, tila hindi pa naman magsesettle down ang actress dahil napaka-busy nito sa kanyang showbiz career.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo