Mark Bautista Sa Pag Aming Beki Walang Pagsisisi!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Jerome

 


Walang pagsisisi sa sarili ang kapuso singer at aktor na si Mark Bautista ng ilantad niya sa publiko ang kanyang tunay na pagkatao.


Naniniwala siya na tama at makatarungan ang ginawa niyang pag-amin na isa siyang bisexual.


Pero inamin niya na marami ang naging pagbabago sa kanyang personal na buhay at ng kanyang career.


Ayon sa isinger ay matapos ang kanyang pag-amin bilang bisexual sa pamamagitan ng kanyang librong "Beyond the Mark" ay may ilang mga kaibigan niya sa mundo ng showbiz na talagang lumayo at iniwasan siya.


Ngunit sa kabila naman nito ay mas nagpapasalamat naman siya dahil mas nakilala naman daw niya kung sino-sino talaga ang mga taong totoo at nagmamahal at nagmamalasakit ng tunay sa kanya.


Nagpapasalamat din siya na kahit na inilantad na niya ang sarili ay hindi paring naaapektuhan nito ang kanyang singing Career.


Ngunit inamin din niya na may malaking pagbabago ang naging impact nito sa kanyang acting career dahil sa lahat daw ng mga inaalok na project ngayon sa kanya ay puro pang Gay roles.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo