Kylie Padilla, Tinawag Na 'Banong Starlert' Ng Basher! Sinagot Na Ng Aktres!

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Lovely


Ipinakita ng Kapuso actress na si Kylie Padilla kung gaano siya ka mature sa paghahandle sa mga batikos ng kanyang mga bashers.


Kamakailan lamang ay napapabalitang magkakaroon ng panibagong project si Kylie Padilla kasama sina Ruru Madrid at Enrique Gil.


Marami naman sa kanyang mga fans ang na-excite sa panibagong proyekto ng aktres subalit hindi rin naiiwasang mayroong nambash at tinawag pang 'banong starlet' si Kylie Padilla.


"@kylienicolep masama ba na sabihan kitang banong starlet? Bwahahahaha” tweet ng basher.


Agad naman itong sinagot ni Kylie Padilla kung saan ipinakita niya kung gaano siya ka mature at kakalmado sa paghahandle ng mga bashers.


“Of course you have the right to your opinion.”


Nagbigay rin siya ng mensahe para sa kanyang mga fans na dinipensahan siya sa mga bashers.


Aniya, “Ako ay nag ttrabaho lamang. Wag nyo po masyado istressin ang sarili nyo. all love and peace."


“And thanks to everyone who feels like they have to defend me. Luckily I’ve developed a thick skin from showbiz pero naappreciate ko kayo each and everyone of you,” dagdag pa ng aktres.


Si Kylie Nicole Padilla na mas kilala bilang Kylie Padilla ay isang Filipina actress at model. Si Kylie Padilla ay anak nina Robin Padilla  at dating actress na si Liezl Sicangco.


Ikinasal si Kylie Padilla sa aktor na si Aljur Abrenica kung saan nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Alas Joaquin and Axl Romeo.


Subalit tumagal lamang sa dalawang taon at apat na buwan ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.


Noong July 2021, kinumpirma nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang kanilang paghihiwalay. Inamin din ni Kylie na totoong siya ang nag-initiate na makipaghiwalay kay Aljur Abrenica.


Gayunpaman nilinaw niyang kailanman ay hindi siya nagloko sa kasalan nilang dalawa.


Samantala sa panayam kay Aljur Abrenica ni Toni Gonzaga sa "Toni Talks", sinagot ng aktor ilang mga katanungan tungkol sa kanyang pamilya.


Ibinunyag din niya na noong panahong binabatikos siya ng mga netizens dahil sa hiwalayan nila ni Kylie, iniisip niya ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin. 


Sinabi ng aktor na iniisip niya kung paano siya magiging mabuting ama sa kanyang mga anak. Sinabi rin ni Aljur na talagang nagbago ang kanyang buhay nang magkaanak na siya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo