Enrique Gil Tinapos Na Ang Mga Isyu Sa Kanya!...

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Jerome

 


Pinatunayan ng actor na si Enrique Gil, sa kabila ng tatlong taong pagpapahinga sa showbiz ay mananatili parin siya sa Kapamilya Network.


Kahapon nga April 25, 2023 ay muling nagbalik si Enrique sa bakuran ng Kapamilya Network para sa kanyang contract signing.


Sa ilang video na makikita online ay makikitang may pa red carpet pa para kay Enrique.


Kahapon ng April 25 ay pumirma na ng exclusive contract, ang aktor sa ABS-CBN.


Present din sa contract signing ng aktor sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, Dreamscape Entertainment Head Deo Edrinal at iba pang Kapamilya executives.


Labis naman ang pasasalamat ng aktor sa ABS-CBN sa pagbibigay nito ng napakaraming oportunidad at sobrang excited din siya sa kanyang pagbabalik sa kapamilya network.


Sabi niya, "I feel amazing, I'm really excited to be coming back, starting a new path."


"I'm really excited to do something, I've never done before. Hope you guys watch out for that."


Pagpapatuloy pa niya, "To all the bosses here, this is always been my home, and I'm really, really glad to be back home."


Ayon naman sa talent manager ni Enrique na si Ranvel Rufino, ay isang two years contract ang pinirmahan ni Enrique.


Kasama sa mga proyekto na naka linya para kay Enrique ay isang teleserye at isang pelikula.


Matatangdaang huling napanood si Enrique sa ABS-CBN Kapamilya series na "Make it with you."


Bago ito na cancel dahil sa COVID 19 Pandemic.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo