Karla Estrada, Hindi Lang Pang-Host Pang Referee Rin Ng Face To Face!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ng bagong host ng nagbabalik show na “Face 2 Face” sa TV5 na si Karla Estrada ang komento ng isang netizen.


Ayon sa komento ng netizen na hindi lamang siya bagay na bilang host ng programa, kundi pati referee sa dalawang kampong maghaharapan, magtatalakan, at magbabardagulan sa tinaguriang “barangay hall on-air.”


Matatandaang proud na ipinasilip ni Karla Estrada ang set ng unang taping ng Face to Face na lalabas sa darating na May 1, 2023.


Samantala, may nagkomento sa post ni Karla at sinabing pang 2 in 1 ito sa show, maari itong maging host at referee sa mga magbabangayan doon.


“Ms. Karla is not only a good host but can also be a referee when families get into a fight… sa laki ni Ms Karla ang bumangga titilapon sa gitna ng kalsada,” komento ng netizen.


Agad naman itong sinagot ni Karla Estrada, sa halip na maoffend tinawanan at biniro pa niya ang commenter.


“Galing ng idea mo (with laugh emoji),” sagot ni Karla.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo