Joshua Garcia Ibinahagi Ang Buong Detalye Ng Viral Santakruzan Picture!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi na ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang storya sa likod ng nagviral niyang larawan sa isang santakruzan.


Matatandaan na nitong February lamang ng ibahagi ng dating ka-partner ni Joshua sa Santakruzan ang kanilang larawan noong hindi pa sikat na aktor ang binata.


Ang larawan ng dalawa ay kuha pa noong 2012 sa Bauan, Batangas, ayon sa pagbabahagi ni Reina Carisse Forteza – Abrigonda.


Samantala, sa isang panayam ipinahayag na ng aktor ang kanyang side sa nangyaring Santakruzan noon.


Ayon kay Joshua na mahiyain siya noon ay nahila lamang para maging escort.


"Hinila lang nila ako noon. Ayoko kasi ng mga ganoon, nahihiya ako. Pero that time, parang importanteng tao yung pamilya nila doon,” pagbabahagi ng aktor.


Dagdag pa ng aktor na sa panahong iyon ay nasa 12-13 years old pa lamang na nakikikain lamang siya roon dahil may fiesta.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo