Jed Madela Nalulungkot Matapos Tawaging 'Laos'!

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng singer na si Jed Madela ang kanyang pagkalungkot matapos siyang tawaging laos ng ilang mga basher, matapos niyang magperform ng isang religious song.


Noong nagdaang Biyernes Santo, nag-live sa TikTok ang singer na si Jed Madela para magbahagi ng kanta sa kanyang mga tagahanga. Gayunpaman, habang kumakanta si Jed nang live sa TikTok, may nagkomento rito at sinabing siya ay "laos."


Bakas sa mukha ni Jed ang pagkalungkot habang binabasa iyon. Agad naman niyang pinagsabihan ang basher pagkatapos niyang mag-perform at sinabing naapektuhan siya sa pangit na komento.


Ayon kay Jed, nais lamang niyang magbahagi ng holy tune lalo na's Holy Week naman. Ipinunto din niyang hindi niya kailangan na magtrabaho dahil lenten season naman.


Sinagot din niya ang komento laos siya at iginiit ang mahigit 20 years na pagtatrabaho bilang singer sa showbiz industry.


Agad din naman siyang ipinagtanggol ng kanyang mga fans.



@jedmadela Opo. Moody po ako. LOL #fyp #foryourpage #jedmadela ♬ Jump Around - DJ Lunox

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo