Isang Ex Ni Dina Bonnevie Ipinahabol Ng Kanyang Ama Sa Kanilang Aso!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nagulat sa pagsisiwalat ng veteran actress na si Dina Bonnevie tungkol sa ginawa ng kanyang ama sa isa sa kanyang mga ex.


Sa guesting ni Dina Bonnevie sa programang Korina Interviews, inamin niyang may isa siyang ex na pinahabol ng kanyang ama sa kanilang mga aso.


Nilinaw naman ni Dina na hindi si Vic Sotto ang tinutukoy niyang ex, kundi ang aktor na si Alfie Anido.


Nang bumisita umano sa kanilang bahay si Alfie ay bigla na lamang itong ipinahabol sa mga aso ng kanyang ama nang malaman na Serrano ang middle name nito.


Dahil sa labis na takot ni Alfie sa mga aso ay hindi nito namalayan ang kanilang swimming pool, hanggang sa ma-shoot na ito.


Huli na umano nang malaman niyang ex-girlfriend pala ng kanyang ama ang ina ni Alfie. 


Samantala, inamin rin ni Dina na isa sa mga dahilan niya sa pagpasok sa showbiz industry ay ang dating karelasyon na si Alfie upang magkita sila.


Si Alfie Anido ay sikat na matinee idol noong 80'sSi Alfie Anido ay isa ring fashion at commercial model bago naging contract star para sa Regal Films, isang nangungunang kompanya ng paggawa ng pelikulang Pilipino.


Tinagurian din siyang isa sa mga Regal Babies, kasama ang mga kabataang aktor noon na sina Gabby Concepcion, William Martinez, Albert Martinez, Maricel Soriano, Snooky Serna, at Dina Bonnevie.


Isa sa hindi malilimutang misteryo sa buhay ni Alfie ay ang biglaan niyang pagkamatay sa mismong kaarawan.


Samantala, nagkasama noon sina Alfie Anido at Dina Bonnevie sa camp classic na Temptation Island noong 1980.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo