Dating Hashtag Member Luke Conde Sinagot Ang Pang-Ookray Ng Netizen Na 'Jutz' Siya!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Lovely


 Viral ngayon sa social media ang sagot ng dating Hashtag member na si Luke Conde sa isang netizen na nagsasabing 'gamay' ang kanyang pabakat sa boxers na kanyang ini-endorso.


Ang salitang 'gamay' ay isang cebuano word na nangangahulugang maliit sa tagalog.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Luke Conde, isang Kapuso model-actor na ngayon, ang isang mga larawan ng ini-endorso niyang boxers product.


Sa comment section, makikitang may isang netizen  na nagsabing maliit ang bumakat sa kanyang undergarment.


“Gamay man!” prangkang komento ng isang marites.


Kaagad naman itong sinagot ni Luke at ipinuntong hindi pa naman ito nagigising.


“Nakita mo na bang gising ‘yan? Baklang toh!”


Kaagad naman itong nagdala ng goodvibes sa mga netizens, may makulit pang nagsasabing gisingin na ang natutulog na pabakat ng actor-model.


“Sana ginising mo para kasama sa selfie mo HAHAHAHAHAHAHA.”


“Gising reveal naman po!”


“Ipagising mo sa kaniya hahaha.”


“Tulog pa pala eh di sana ginising mo hahahaha.”


“Wahahaha gisingin na ‘yan!”


Si Luke Conde ay isang singer, dancer at model. Una siyang nakilala bilang isang myembro ng boy group na Hashtag na naging regular sa ABS-CBN, particular na sa It's Showtime.


Noong 2021, lumipat siya sa GMA7 at naging isa sa mga Sparkle Artist. Nakasama na rin siya sa ilang mga anthologies, at teleserye sa GMA7.


Sa ngayon, isa si Luke sa mga cast ng pinag-uusapang teleserye sa GMA7 na 'Ang Mga Lihim Ni Urduja'.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo