Face To Face Show Comeback Unang Inalok Kay Tiyang Amy Bakit Napunta Kay Karla Estrada!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely


 Kumpirmado na nga ang pagbabalik sa ere ng pinag-uusapang show na Face to Face.


Inanunsyo na ng TV5 ang pagbabalik ng show sa darating na May 1, 2023.


Sa pagkakataong ito, magkakaroon na ito ng celebrity edition upang mabigyan daan ang nagbabangayang mga artista.


“Unresolved issues? Sasamahan ka ni Karla Estrada na solusyunan ‘yan! Abangan siya sa pagbabalik ng paborito nating TV5 program na #Face2Face, simula sa MAY 1!,” caption sa post.


Samantala, may isang haka-hakang kumakalat ngayon online kung saan una umano inalok ang paghohost sa Face to Face sa dating host nito na si Tiyang Amy.


Subalit sa huli ay napunta naman kay Karla Estrada.


Ayon kay Tyang Amy, hindi naman daw sa ayaw niya, kaya lang, may mga show naman siya sa ABS-CBN, at nahiya raw siyang layasan ito gayong never daw siyang pinabayaan.


Nagka-pandemya man at nawalan ng prangkisa, kahit hindi siya contract artist ay hindi naman siya nawalan ng trabaho.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo