Dumbo Ng It'S Showtime, Humihingi Ng Panalangin at Tulong Pinansyal Dahil Sa Motorcycle Accident!...

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Jerome


 Humihingi ngayon ng panalangin at tulong financial ang pamilya ng audience coordinator ng programang It's Showtime na si Dumbo matapos na ma acsidente sa sinasakyang motor.


Sa kanyang social media account ay ibinahagi ng pamilya ni Dumbo ang kanyang larawan na naka confine sa isang Hospital at humihingi sila ng panalangin at tulong financial para kay Dumbo.


Saad sa caption, "Hi badly need help right now, prayers and financial help po, need po para sa operation niya, na motor accident po siya last night. Any amount will do po, thank you so much."


Sa kabutihang palad ay daan-daang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang layuning matulongan si Dumbo.


Kaya naman heto ang ibang komento ng mga netizens,"Ipagdadasal ko ang iyong pagpapagaling Dumbo, siguradong matutulongan ka ni Vice Ganda."


"Mag dasal lng, at siguradong may awa ang panginoong Diyos at hindi ka niya pababayaan."


"Kahit na kunting barya lang po, basta marami tayong magpapadala siguradong maiipon yun at malaking tulong na din yun para sa pagpapagamot ni Dumbo."


Kahit na nga hindi siya host ng It's Showtime ay napapansin parin siya dahil sa kanyang nakakatuwang personalidad at pati na rin sa pagiging malapit nito sa mga host ng show.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo