Cristy Fermin Nagreact Sa Paninirmon Ni Vice Ganda Sa Canada!

Miyerkules, Abril 19, 2023

/ by Lovely


 Isa sa mga napag-usapan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika ang viral video ni Vice Ganda sa kanyang concert sa Canada kung saan tila may sinisermunan siyang audience.


Nauna nang nailat ang pag-alma ni Vice Ganda at kaagad na sinabihang rude ang magjowa na nanabunot sa kanya para lamang siya mapalingon.


Samantala, sa isang episode ng Cristy Ferminute ibinahagi ni Manay Cristy Fermin na isa itong aral para sa mga fans.


“Ito po ay isang magandang leksyon sa mga kababayan natin na natutuwa sa mga performers. Igalang po natin sila. Irespeto po natin sila. Binibigyan po nila tayo ng magandang palabas, gantihan din po natin ng ganu'ng karespetong pagtanggap,” pagpupunto ni Cristy Fermin.


Sinigundahan naman ito ni Romel Chika at sinabing mas mabuti pang makipagkamayan na lamang kaysa sa panghahatak ng wig.


Pinuri rin ni Manay Cristy ang kalmada subalit madiin na pahayag ni Vice Ganda.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo