'Cougar' Comment Ni Cristine Reyes Tungkol Kay Marco Gumabao Binalikan Ng Mga Netizens!

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Lovely


 Sa opisyal na pag-amin ng celebrity couple na sina Marco Gumabao at Christine Reyes sa kanilang romantic relationship, marami sa mga netizens ang napapataas ang kilay at hindi napigil ang pagbibigay ng komento.


May ilan pa sa mga netizens, ang kumalkal sa mga old interviews ni Christine. Kumakalat ngayon sa social media ang dating interview ni Christine sa Tonight with Boy Abunda.


Sumabak sa Jojowain o Totropahin Challenge si Christine Reyes, kung saan isa sa binanggit ni Tito Boy Abunda ay ang pangalan ng aktor na si Marco Gumabao.


Ang isinagot naman ni Christine at totropahin dahil sa agwat ng kanilang edad. Sinabi pa niyang hindi siya cougar para pumatol sa mga bata.


“Si Marco, we’re friends. Ang bata pa ni Marco. Ano ‘ko cougar?”


Agad itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens lalo na't kinumpirma na ng dalawa ang kanilang relasyon.


"wlang ksuguruhan ang buhay kaya wag mg bibitiw nang mga slita na dipa sure"


"Time is the ultimate truth teller."


Bagama't marami ang nambabatikos kay Christine Reyes may mga nagtanggol naman sa kanya at sinabing wala namang mali sa relasyon nilang dalawa dahil wala naman silang inapakang tao at nasirang relasyon.


Kamakailan lamang ay nagkasama sa iisang pelikula sina Marco Gumabao at Christine Reyes. Mula noon naging sunod-sunod na ang mga pagkakataon na nakikita silang sweet sa isa't-isa.



@mondoii101 Talaga ba Christine Reyes ?? 🙄🙄 #trending #fypシ #fyp #foryoupage ♬ original sound - Ray MOn Doii Jag-moc

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo