Alden Richards Super Excited Sa Upcoming Movie Nila Ni Julia Montes!

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Lovely


 Muling pinuri ng Kapuso actor na si Alden Richards ang Kapamilya actress na si Julia Montes.


Ayon kay Alden Richards, nai-excite siya sa pagkakasama nila ni Julia sa iisang proyekto.


Samantala sa naganap na presscon para sa kanilang pagsasamahang pelikula na pinamagatang Five Break-Ups and A Romance, naitanong kay Alden Richards na isa ring producer ng pelikula kung bakit si Julia Montes ang napili niyang leading lady.


Agad naman itong sinagot ni Alden, "Siyempre Julia Montes yan!"


"Di ba, sa buhay naman, hindi mo malalaman yung outcome unless you try? The only failure is not doing it," dagdag pa ni Alden Richards.


Ayon pa kay Alden na napakagaan kasama si Julia Montes. Sa tuwing nakakasama umano niya ito ay parang nakikita niya ang kanyang raw self ulit.


"So may ganu’ng vibe si Julia sa akin. That’s why ibinabalik ko lang sa kanya. And parang pag kasama ko si Julia, it feels like I can be my raw self."


Sa kabilang banda, pinuri naman ni Julia Montes si Alden Richards.


"Hindi pa kami masyadong matagal na nagsu-shoot pero na-appreciate ko," saad ni Julia Montes.


Si Julia Montes ay isang artistang Pilipino na kilala sa pagganap bilang Clara Del Valle sa remake ng TV series ng ABS-CBN na Mara Clara. Mula noon nagsunod-sunod na ang proyekto ni Julia Montes sa ABS-CBN.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo