Bagong Endorsement Ni Liza Soberano Problemado Sa Talent Agency Ni James Reid!

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat nagyon online ang bali-balitang nahihirapan umano ang isang online payment app dahil sa isang talent agecy na hindi masagot ng maayos ang katanungan nila kung kailan darating ang kanilang talent.


Ayon sa aming nakalap na mga impormasyon may gaganapin sanang campaign ang iniendorso ng aktres na si Liza Soberano na na-shedule na, subalit hindi naman malinaw ng talent agency nito kung kailan darating ang aktres na kasalukuyang nasa Amerika.


“Nahihirapan sila sa management kasi nakadepende sila kung kailan darating si Liza from US.  Siyempre may hinahabol silang mga campaign, di ba? Ano ‘yun, pag dumating si Liza saka palang gagawa ng schedule?”


Ang gagawing campaign ni Liza kasama ng iba pang mga influencer ay isang hakbang para makabawi umano sa nalugmok na pangalan nito matapos umani ng pambabatikos ang inilabas niyang vlog.


Subalit, hindi pa umano naaayos  ang schedule nito dahil hindi pa nila alam kung kailan ang balik ni Liza sa bansa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo