Amy Perez Pinayuhan Si Karla Estrada Bilang Bagong Host Ng Face To Face!

Huwebes, Abril 20, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng advice ang aktres at TV host na si Amy Perez kay Karla Estrada na bagong host ng confrontation show na “Face 2 Face”.


Matatandaan na si Amy Perez talaga ang original host ng show. Kaya naman bilang pagbabahagi ng kanyang kaalaman, nagbigay siya ng ilang tips kay Karla Estrada na siyang pumalit sa kanya.


Grateful naman si Karla Estrada sa pagbibigay ng advice sa kanya ni Amy Perez dahil baguhan pa lamang siya sa show. Maging si Gelli De Belen na naging host rin noon ng Face To Face ay nagbigay rin sa kanya ng pointers.


“Napakaraming binigay na tips sa akin si Ate Amy dahil magkaibigan naman talaga kami. In fact, tiyahin ni Daniel ‘yan. Matagal na kaming nag-uusap about this,” pag-amin ni Karla.


“Marami kaming pinag-usapan, pero at the end of the day, maganda ang aming usapan bilang kamag-anak. Kaya thank you very much kay Amy and Gelli de Belen kasi nakaka-happy magkaroon ng support sa mga dating hosts," dagdag pa ni Karla Estrada


Mapapanood ang muling pagbabalik ng Face to Face sa darating na May 1, 2023. 


Ang Face to Face show ay magsisilbing Barangay Hall on air, kung saan sisikapin ng show na pagbabatiin at aayusin ang mga hidwaan ng magkamag-anak, kaibigan at kapitbahay na hindi naaayos sa kanilang barangay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo