Alex Calleja, Tumangging Mag-Promote Ng Sugal Hindi Siya Katulad Ng Ibang Vlogger!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng stand-up Comedian na si Alex Calleja na tumanggi siyang maging katulad ng ibang influencer na nagpo-promote ng pagsusugal sa social media.


Sa kanyang mga tweet, ibinahagi ni Alex na inaalok siya na mag-promote ng ilang online na gambling ngunit mabilis umano niya itong tinanggihan dahil isa rin siyang sugarol noon.


Ayon sa kanya, ginugol niya ang karamihan sa kanyang oras sa mga casino noong nakaraan at nawalan ng malaking halaga ng pera.


Kaya naman napagpasyahan na niyang itigil ang kanyang mga bisyo noong 2019.


“Marami ang lumalapit sa akin para mag-endorse ng mga online gambling. Hindi ko tinatanggap kasi dati akong sugarol. Inaamin ko, dati akong sagurol. Laman ako ng casino dati. RW, Okada, Solaire, COD at dyan sa New World Manila. Malaki rin napatalo ko sa sugal.”


“Buti na lang, pagdating 2019, nagising ako at nagbago. Naputol ko lahat pati na rin paninigarilyo at pag-inom. Dumating pa ang pandemic na lalong nagpatibay sa pagbabago ko. Kaya naman against ako sa gambling lalo na sa mga online gambling na pwedeng gawin kahit saan.”


Pinayuhan din niya ang lahat na umiwas sa mga pagsusugal dahil hindi ito nagdudulot ng mabuti.


“Walang magandang dulot ang sugal. Walang nananalo sa sugal. Sisirain niyan ang buhay niyo na. Maniwala kayo, galing na ako dyan. Kung mahal niyo pamilya niyo at sarili niyo, utang na loob, itigil niyo na ang sugal!”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo