Alamin Ang Greatest Weapon Ni Kim Chiu!

Biyernes, Abril 7, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng actress-host na si Kim Chiu ang isang bagay na kinukonsidera niyang greatest weapon sa lahat ng pagsubok at paghihirap na pinagdadaanan.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, isa-isang nagbahagi ang mga host sa kanilang Holy Week vow. Sa parte ni Kim, inilahad niya ang habit niya pagrorosaryo araw-araw.


“Araw-araw talaga ako nag-ro-rosaryo. Sa dami ng pinagdadaanan mo sa buhay, ‘pag may hawak ka talagang rosary, hindi ka talaga bibitawan ng Panginoon. Iyon ang nakakaiyak,” emosyunal na pahayag ni Kim Chiu.


Dagdag pa ni Kim Chiu, na sa tuwing hawak niya ang rosary pakiramdam niya ay kasama niya at nakakausap ang panginoon.


“Iyon ang greatest weapon na meron ka. ‘Pag nag-ro-rosary ako, parang kausap ko ang Panginoon. Every day iyon.”


Subalit inamin ni Kim na kamakailan ay hindi na siya nakakapagrosaryo everyday na labis naman niyang ihiningi ng tawad.


“Kahit maraming magandang nangyayari, huwag kang makakalimot sa Panginoon. Hindi mo lang Siya tatawagin ‘pag hindi na maganda. ‘Pag maganda o hindi maganda, parehas Niyang binigay ‘yun, kaya hindi natin bibitawan ‘yung faith at pagtawag sa Panginoon."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo