Zeinab Harake at Wilbert Ross Muling Nagpakilig! | WilZeb Comeback

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nagpakilig sa social media sina Zeinab Harake at Wilbert Ross.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa iba't-ibang social media sites ang vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake at ang singer-song writer na si Wilbert Ross.


Kamakailan lamang ay inilabas ni Wilbert Ross ang kanyang panibagong kanta, na may pamagat na 'Nakangiti'.


Ibinahagi ito ni Wilbert sa kanyang social media, particular na sa kanyang TikTok account.


Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens ang pagpromote ni Zeinab Harake sa nasabing kanta ni Wilbert Ross.


Ibinahagi ni Zeinab sa kanyang TikTok account ang video, gamit ang playlist ni Wilbert.


Lalo pang kinilig ang kanilang mga tagahanga ng magkomento si Wilbert sa Tiktok video ni Zeinab at tinanong kung sino ang rason ng mga ngiting ito ni Zeinab.


Agad naman itong sinagot ni Zeinab at sinabing, "Landiin mo na kasi ako."


Sa kabila ng mga isyung pinagdaanan ni Zeinab Harake noon, hindi pa rin natitinag ang friendship nilang dalawa. Palaging naka suporta si Wilbert sa vlogger.


Kaya naman marami sa kanilang mga tagahanga ang humihiling na sana'y maging sila na lang.



@zeinabharake charoooooot lang to ha whahahahaha supporting my @Wilbert Ross congrats sa new song yabyuuuuuu be 🤍 #zeinabharake #wilzeb #fyp ♬ Nakangiti - Wilbert Ross

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo