Yayo Aguila Ipinagtanggol Si Liza Soberano, Naiintindihan Niya Ang Mga Syentimento Nito!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Sinabi ng batikang aktres na si Yayo Aguila na isang “mabait na bata” ang aktres na si Liza Soberano sa gitna ng isyung kinakaharap nito kamakailan dahil sa kanyang rebranding.


Parami nang parami ang mga personalidad na nagbahagi ng kanilang saloobin sa nasabing isyu na kinasangkutan ni Liza at ng kanyang dating manager na si Ogie Diaz.


Kabilang na dito ang umano'y mali niyang desisyon na umalis sa kanyang pamamahala ni Ogie Diaz para ipagpatuloy ang kanyang career sa Hollywood.


Samantala sa isang panayam, naitanong kay Yayo kung ano ang kanyang saloobin sa isyung kinakaharap ni Liza Soberano ngayon at pahayag nitong na kahon lamang siya sa iisang loveteam.


Matatandaang, noong Kabataan ni Yayo Aguila sa showbiz, nasa isang love team din siya kaya ayon sa kanya na naiintidihan niya si Liza Soberano sa mga sinabi nito.


“Matter of choices lang naman ‘yun sa buhay. Kung sinabi ni Liza ‘yun, right niya ‘yun to say pero sabi nga niya, out of context naman kinuha ng mga tao. So I guess, si Liza mabait naman na bata ‘yun. So sino naman ako para mag-comment,” saad ni Yayo.


Ipinaliwanag naman ni Yayo kung bakit nabubuo ang loveteam dahil ito umano ang gusto ng mga tao. Gayunpaman, ipinunto niya na kahit nasa isang loveteam at under sa mga manager ay may karapatan pa ring mamili ang mga talents.


“Kasi kung ayaw mo, di naman mapapagawa sayo. Ngayon pag ginawa mo, kasi umoo ka, wag mong sasabihing hindi mo gusto, kasi ginawa mo rin e. May choice ka naman always,” saad ni Yayo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo