Vice Ganda Sinagot Ang Banat Ng Mga Netizen Sa Pagbili Nila Ng Mamahaling Puppy!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens ang pagkakaroon nina Vice Ganda at Ion Perez ng bagong baby.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Vice Ganda na bumili sila ni Ion Perez ng isang mamahaling puppy na maituturing nilang baby.


“Para lalong sumaya ang bahay namin. Para may mapagshare-an kami ng saya tapos mayrong magpapasaya sa aming bago. Meron kaming lalambingin, meron kaming mamahalin, meron kaming aalagaan,” saad ni Vice Ganda.


Noon pa man ay bukas si Vice Ganda sa pagkakaroon ng bagong aalagaan.


Ang hindi nga lang na nagustuhan ng mga netizens ay ang tila pagsusunog umano nina Vice Ganda ng pera para lamang sa isang aso.


Ang asong binili nina Vice Ganda ay nagkakahalagang 380,000 pesos. Hindi pa kasama rito ang mga kagamitan ng kanilang aso.


Samantala, sa latest episode ng kanilang ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang saloobin hinggil sa nasabing isyu.


Ipinunto niya na wala naman umanong nasaktan sa pagbili niya at pera naman niya iyon. Tila hindi rin umano niya maintindihan kung bakit lahat na lamang ng bagay ay palaging may sey ang mga bashers sa kanyang buhay.


Ayon pa kay Vice Ganda, na desisyon naman nila ang bumili ng aso dahil buhay naman nila iyon.


“Maganda yung mag-adopt talaga ng mga dogs pero may masama ba na bumili kami ng dog? Wala. Kaya pwede kami mag-decide? It’s our life, di ba?”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo