Yassi Pressman Isang Malaking Kunsintidor Sa Panloloko Nina Issa at James Kay Nadine?

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan rin ngayon sa social media ang kapatid ni Issa Pressman na si Yassi Pressman, kasunod ng pagkalat ng mga larawan nina Issa at James Reid mula sa concert ni Harry Styles kamakailan lamang.


Muling binalikan ng ilang mga netizens ang ibinahaging post noon ni Yassi kung saan dinipensahan niya ang kanyang kapatid sa mga bashers na nagsasabing ito umano ang dahilan ng hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.


Sa naturang post noon ni Yassi, ipinakita pa niyang magkasama silang dalawa ni Nadine upang pabulaanan ang kumakalat na isyu noon sa pagitan ni James Reid at Issa Pressman.


Subalit, sa pagbabahagi ngayon ni Issa Pressman sa larawan nila ni James Reid na magkahawak kamay tila inamin na umano nito ang relasyon nila.


Bagama't matagal nang nangyari ang hiwalayan ng JaDine hindi pa rin ito nagustuhan ng maraming fans ni Nadine Lustre dahil naturingan pa umano silang magkaibigan.


Ayon pa sa ilan na noon pa may relasyon ang dalawa at nilihim lamang nilang dalawa, nanahimik naman umano si Nadine Lustre upang huwag nang lumaki pa ang gulo.


Maging si Yassi Pressman ay pinutakte rin ngayon ng pambabatikos dahil sa pagkunsinti umano nito noon sa kanyang kapatid na si Issa.


“Tinolerate mo ang kapatid mo? So disappointed with you.”


“Why naman ganon? Todo defend kapa kay sis mo.”


"everyone, remember this issue of James Reid and Issa Pressman way back 2020🤭 I feel sorry for Nadine Lustre talaga:< and f.u Yassi Pressman and the Pressman sisters for using Nadine's name for clout"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo