Nadine Lustre Nanahimik Sa Panloloko Ni James Reid? Sey Ng Mga Fans!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ang aktres na si Nadine Lustre, matapos kumalat ang mga larawan at video na magpapatunay umano na pumatol si James sa tropa niyang si Issa Pressman.


Ang mga kumakalat na larawan ay mula mismo sa ibinahagi nilang larawan sa kani-kanilang social media accounts.


Makikita sa ibinahaging larawan ni Issa na magkaholding hands sila ni James Reid, ibinahagi naman ni James ang video na magpapatunay na magkasama nga sila.


Hindi man hayagang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon, alam na alam na umano ng mga netizens ang galawan ng mga katulad nito.


Marami ang mga bumabatikos rito na mga netizens dahil kaibigan ni Nadine si Issa. Matatandaan na pinaghihinalaan din noon ng mga netizens na si Issa ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.


Subalit nang panahong iyon ay kaagad na dinipensahan ni Yassi Pressman ang kanyang kapatid na si Issa at sinabing hindi totoo ang isyung si Issa ang third party sa hiwalayan nina Nadine Lustre at James Reid.


Sinang-ayunan naman ito ni Nadine noon at sinabi pang mahal niya ang magkapatid.


Subalit ngayon, tingin ng netizens ay pinili na lang ni Nadine na huwag palakihin ang issue noon at manahimik na lang sa umano’y panloloko ni James sa kanya.


“Oh to have that kindness of nadine. she has all the resources to ruined someone’s reputation. but here she was enjoying the blessings of life.”


“My heart goes out to Nadine now that she’s with a guy who actually loves and cherishes her. Friends that aren’t toxic and doesn’t stab her in the back and an actual career that those fake ass bitches don’t have and can’t reach.”


"Despite the betrayal, Nadine Lustre still chose to defend Issa and Yassi Pressman and even James Reid before. She didn't even throw any hate to them. And also to their circle of friends who tolerate Issa and James. She really has a pure heart. How could you hate this girl?"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo