Wilbert Ross, Pinawer Trip Sa It's Showtime!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Inamin  ni Wilbert Ross ang pinagdaanan niyang depression noong kabilang pa siya sa grupong Hashtags na regular na napapanood noon sa It's Showtime.


Ang pangunahing dahilan nito ay ang pag-ayaw umano sa kanya ng isang It's Showtime boss.


Ayon kay Wilbert, labis na power tripping ang naranasan niya sa nasabing show na nag-udyok pa sa kanyang hiwain ang kanyang kaliwang pulso.


Hindi naman umano niya intensyong magpakamatay nais lang niyang makaramdam ng sakit.


“Grabe po yung pinagdaanan ko, sa Hashtags mismo. Na-depress po ako, severe depression noong 2018, 2019. Nagha-harm na po ako ng sarili ko. Sa showbiz kasi talaga, alam natin na mahirap at may pagka-dirty."


“Sa Hashtags po, sixteen members kami. Ang feeling ko, ako yung pinaka-least. Sa It’s Showtime po, may tao na ayaw sa akin talaga. Isa sa mga boss."


May kaibigan ako na staff. Sabi niya sa akin, ‘Sorry ha, kasi ipinapasok ka talaga namin sa segment. Pagdating talaga sa kanya, tinatanggal na niya." pagbabahagi pa ni Wilbert.


Dagdag pang salaysay ni Wilbert Ross, “Tapos, umabot na rin na pati sa segment ko, like may mga segment sa Minute To Win It, two hours na lang bago ang taping, pinapalitan po ako ng ibang Hashtag. Si Nikko din ang nagsasabi kasi kaibigan niya yon."


"Parang kapag sila lang ang nag-uusap, sinasabihan akong hindi ko raw deserve sa Hashtags. Parang ako lang daw yung hindi ganoon ka-attractive."


Inamin rin ni Wilbert na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala kay Wilbert ang trauma na hatid ng mga naranasan umano niya power tripping sa Showtime.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo