Marco Gumabao at Cristine Reyes Spotted Na Magkahawak Kamay!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na may relasyon ng ang mga celebrities na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes, matapos namataang magkahawak kamay sa isang galaan.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na namataan ang dalawa na sweet at tila may namamagitang relasyon.


Naitanong naman na kay Marco kung may relasyon ba sila sa isang panayam noong media con ng Baby Boy, Baby Girl.


Paiwas na sagot ni Marco na kung spotted ba ay magkarelasyon na ba?


Dagdag pa ni Marco na matagal na silang nagkakatrabaho ni Cristine Reyes.


"Kami ni Cristine, we've worked together since 2015, first teleserye ko kasama ko siya sa Tubig at Langis. And I can say we have formed a relationship, a good solid friendship throughout the years," pasakalye ng binata.


"We've been very, very close. We've been working out together, hanging out a lot. Yun lang naman yung gusto ko sabihin."


Dagdag pa ng aktor na nasa kay Cristine na umano kung nais pa nitong palawigin ang kanilang hanging out.


Paniniguro naman ng aktor na sakaling magtuloy-tuloy ang kanilang dates ay wala naman siyang balak itago sa publiko.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo