Sunshine Dizon Nagluluksa Sa Pagpanaw Ng Kanyang Ama! Sobrang Lungkot Ni Sunshine

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Jerome

 

Kahapon Martes March 21, malungkot na ibinalita ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon na pumanaw na ang kanyang pinakamamahal na ama.


Makikita ngayon sa Instagram ng actress na pinalitan niya ng kulay itim ang kanyang profile, senyales ng pagluluksa at pagdadalamhati.


Bukod pa dito ay nag post din umano si Sunshine ng isang photo na kasama niya ang kanyang ama.


Saad niya sa caption nito, "I love you papa I never knew this kind of pain ang longing. I will always be a Papa's girl."


Hindi naman nabanggit ng actress ang sanhi ng pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ama, at wala paring inilalabas na detalye ang pamilya sa pagpanaw ng kanilang kaanak.


Kilala ang actress sa showbiz na talagang sobrang close sa kanyang ama at sa pagiging Papa's girl nito.


Sa katunayan nga ay tuwing sasapit na ang kapaskuhan ay sa America sila nagdiriwang ng pasko kasama ang kanyang mga anak dahil doon nakatira ang kanyang ama. 


Dagdag pa dito ay nirepost din ng actress ang ilan sa mga larawan ng kanilang pamilya na magkakasama at ganun din ang ilang paboritong kanta ng kanyang ama na may pangalan na Sunshine ang mga pamagat.


Samantala matatandaan naman na ipinost pa ng actress ang larawan nila ng kanyang ama noong baby pa lamang siya nitong nagdaang fathersday.


Sabi niya sa Caption, "There will always be a few people who have the courage to love what is untamed inside us. One of those men is my father.” -Alison Lohman."

 

Agad naman bumuhos ng mga mensahe ng pakikiramay mula sa kanyang mga tagahanga at pati narin sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo