Coco Martin, Nilinaw Na May Permit Sila Sa Pag Shooting Sa Quiapo! Sunog Si Rendon Labador!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ni Coco Martin ang mga hinaing ni Rendon Labador tungkol sa mga nahihirapan nang vendors sa Quiapo dahil sa taping ng teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Taliwas sa mga hinaing ni Rendon Labador, ipinahayag ni Coco Martin na tiniyak nilang walang masasaktan sa paglikha ng FPJ’s Batang Quiapo.


Sinabi ni Coco kay MJ Marfori na mahigpit silang nakikipagtulungan sa local government unit ng Lungsod ng Maynila at iba pang organisasyon ng gobyerno upang matiyak na walang mapipinsala sa kanilang output. 


Nakikita din umano ni Coco Martin na maayos ang lahat at ipinaalam naman nila sa lahat ang kanilang gagawin.


“Nagpaalam po kami sa Mayor, sa Manila City hall meron din po kaming permiso mula sa ating kapulisan, sa barangay, pati narin po sa simbahan ng Quiapo at sa mga kapatid nating Muslim."


"Lahat po ‘yan naka organize, pinagpa-alaman po namin ng maayos,” pagbabahagi ni Coco Martin.


Mapapansing may ilang vendors na mistulang nagreklamo sa pagbaba ng benta bunga ng taping sa Quiapo. Gayunpaman, sinabi ng isa sa mga miyembro ng palabas na si Bassilyo na natugunan na ang isyu ng mga vendor.


“Lahat ng natatamaang vendors diyan, binabayaran ng production. Binabayaran ‘yung paninda nila, maubos man o hindi."


"Mas gusto pa nga nila ‘yun kasi kota na sila, hindi na sila kakaba-kaba kung mauubos ‘yung paninda nila sa araw na ‘yon,” pahayag pa ng Rapper.


Samantala, labis naman na nagpapasalamat si Coco Martin sa  positibong tugon ng mga manonood sa kanyang teleseryeng Ang Batang Quiapo.


“Sobra kaming nagpapasalamat. Yung hard work talaga, yung pagpupursige lahat ng mga kasamahan ko sa production, sa lahat ng mga artista. Todo-todo talaga yung pagmamahal sa production o sa teleserye na ginawaga namin,” saad ni Coco Martin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo