Seth Fedelin Nag Propose Kay Francine Diaz! Napa-Yes Kaagad!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Ganap na ganap ni Seth Fedelin ang pagpopropose sa kanyang ka loveteam na si Francine Diaz.


Marami ang kinilig sa pagpropose ni Seth Fedelin kay Francine Diaz para maging date nito sa darating na Star Magic Prom.


Ayon sa mga netizens na tila isang wedding proposal ang ginawa ni Seth para kay Francine. May pa blindfold pa ito at fireworks display sa isang dinner date.


“Yes or no. Puwede ka bang maging ka-date sa prom?” tanong ni Seth kay Francine.


Emosyunal namang sinagot ito ni Francine ng isang, "Yes."


Ibinahagi ito ng isang Twitter user kalakip ang caption na, "Chin said yes."


Sobra ang kilig na naramdaman ngayon ng mga tagahanga ng dalawa na noon pa man ay umaasa nang sila talaga ang endgame.


Matatandaan na bagama't nasa Gold Squad ay hindi naman sina Francine Diaz at Seth Fedelin ang magkatambal. Ang katambal noon ni Seth ay si Andrea Brillantes habang si Kyle Echarri naman ang katambal noon ni Francine Diaz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo