Gabby Concepcion Magiging Lolo Na

Friday, March 17, 2023

/ by Jerome


Gabby Concepcion magiging lolo na ito ang kumpirmadong balita na ang mismong anak niya na si Garie Concepcion ang nagbahagi sa kanyang mga social media followers. 


Ang actor na si Gabby ay magiging isa nang ganap na lolo sa edad niya ngayon na 58, dahil sa nagdadalang tao na ang kanyang ikalawang anak nasi Garie Concepcion.


Ang ama naman ng dinadalang tao ni Garie ay si Michael Pangilinan.


Kung matatandaan ay inamin noon ni Michael na siya ay in a relationship sa anak ni Gabby Conception na si Garie Concepcion.


Mula noon ay naging seryoso nga ang kanilang pagsasama at hanggang sa dumating na ang araw na sila ay biniyayaan na ng isang angel.


Ayon mismo kay Garie na siya daw ay nasa 3rd trimester at inamin din niyang ilang beses na daw siyang nakaramdam ng high and low moments sa kanyang buhay.


Minsan nga daw ay napapatanong siya sa kanyang sarili kung ano ang direksyon na kanyang tatahakin.


Ngunit ngayon ay na realize niya umano na inihanda pala siya ng Diyos para sa bagong role na kanyang gagampanan at ito nga ay ang kanyang pagiging isang ina.




No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo