Senior Citizen Na Stage Actor Pinagbintangang Nag Nakaw?

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Jerome

 

Viral ngayon sa social media ang isang video post ng dating stage actor na si Hope Marco Neri Yutuc.


Paliwanag ni Marco ay bumili lang daw siya ng isang roll-on sa Puregold at dala din daw niya ang walang lamang sample ng kanyang biniling roll-on upang makita kung tama ba ang kanyang nabili.


Ngunit laking gulat niya ng paglabas niya ay bigla siyang hinarang ng security ng Puregold at pinagbintangan siya na nagnakaw at ginalugad isa-isa ang kanyang mga gamit.


Ayon nga kay Marco ay napahiya daw siya sa ginawa ng security personnel ng Puregold dahil sa napagbentangan siya at dapat daw ay sa loob palang ay sinita na siya ng mga ito.


Saad nga niya sa kanyang post, "Pinagbintangan ako nang Puregold Putatan Muntinlupa na may nilagay sa bag ko at ayaw akong pauwiin kahit gutom na ako hangang di nakikita ang lahat nang nasa bag ko sa huli napahiya sila."


"Laging nasa puso ko ang sinabi nang lolo ko na si Amb.Felino Neri Sr. na "I may not leave you millions but a good name is worth more than money,take care of it INTEGRITY.HONESTY.FAiTH 🙏 march 12,2023."


Kaya naman binatikos ngayon ng mga netizens ang nasabing Puregold personnel kung bakit ganito ang naging pagtrato nila sa taong kanilang napagbentangan hindi man lang sincere ang kanilang paghingi ng tawag.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo