Secret Love Story Ni James Reid at Issa Pressman Nabuking Na

Sabado, Marso 18, 2023

/ by Sparkle

 


Paano nagsimula ang love story nina James Reid at Issa Pressman, kapatid ni Yassi Pressman?


Tatlong taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay ang isa sa mga tiniliang loveteam na Jadine nina James Reid at Nadine Lustre. Marami sa kanilang mga tagahanga ang nalungkot nang ipahayag nila sa publiko na sila ay naghiwalay na ng landas.


Hindi lang sa TV at sa mga pelikula sila naghiwalay dahil kahit sa totoong buhay ay tinigil na rin nila ang kanilang relasyon. Sa likod ng hiwalayang ito, may mga balitang biglang lumabas at tila tumestigo sa likod ng alegasyon ng netizens laban kay James Reid.




Sa kabila ng inilabas na pahayag ng Jadine, nagsimulang isipin ng netizens na third party ang tunay na dahilan ng kanilang break-up. Ilang babae na ang na-link sa pangalan ni James Reid mula nang maging single siya.


Lumabas ang pangalan ng Kpop girl group member na si Nancy Mcdonie ng Momoland dahil sa project na dapat nilang gawin nang magkasama. Naroon din ang Cebuana singer-songwriter sa Careless label ni James na si Jolianne Salvado.


Nandoon din ang kapatid ng aktres ni Yassi Pressman na si Issa Pressman. Kahit ibang babae ang nakakabit sa pangalan ni James, patuloy pa rin ang pag-link sa kanya ng netizens.




Fast forward to 2023, mukhang nagkatotoo na ang usapin sa likod ng hiwalayan ng Jadine, maging sa espekulasyon ng fans na nanloko si James.


Kamakailan ay namataan sina James at Issa Pressman na magkasamang naglalakad sa isang mall. Kinumpirma ito ng isang netizen at ikinuwento pa ang tungkol sa engkwentro niya sa mga celebrity.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo