Nadine Lustre Camp Nag-react Na Sa Inilantad Na Relasyon Ni James Reid at Issa Pressman!

Sabado, Marso 18, 2023

/ by Sparkle

 


Time is the ultimate truth teller.


'Yan ang pinag-uusapan ngayon ng mga netizens matapos biglang ibunyag nina James Reid at Issa Pressman ang kanilang intimacy sa social media. First time nilang mag-post ng picture na magkasama habang magkahawak-kamay na nagmumungkahi ng intimate relationship.


Dahil sa pagsasapubliko na ito ng kanilang relasyon, umani ito ng maraming batikos lalo na sa mga tagasuporta ni Nadine Lustre na ex-girlfriend ni James Reid.



Sina James Reid at Issa Pressman, na bukod sa matagal nang magkaibigan ay may relasyon din bilang talent manager, magkasamang nanood ng Harry Styles Love on Tour concert noong March 16.


Pero ang ikinagulat ng mga netizen ay nang biglang ilantad ng dalawa ang kanilang intimacy sa Instagram. Parehong nag-post sina Issa at James ng kani-kanilang larawan ng nangyari sa concert.


Sinadya rin nilang ipakita na sila mismo ang nag-picture sa isa't isa. Sa huling bahagi ng serye ng mga larawang ibinahagi ni Issa ay ang larawan nila ni James Reid sa repleksyon ng salamin na makikitang magkahawak-kamay.



Dahil sa rebelasyon na ito, marami sa mga tagasuporta ni Nadine Lustre na ex-girlfriend ni James Reid ang nag-react. 2020 pa lang nang pumutok ang balitang may lihim na relasyon diumano sina Issa at James, kahit sila pa ni Nadine Lustre.


Bagama't itinanggi ng Jadine, iminumungkahi ng mga netizens na tila totoong matagal na nilang niloloko si Nadine Lustre dahil sa  pagsasapubliko nina James at Issa tungkol sa kanilang relasyon.


Marami rin ang nagpahayag ng simpatya kay Nadine dahil sa kabila ng panloloko sa kanya, pinili nitong manahimik at huwag nang magsalita laban kina James at Issa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo