Restobar Ni Rendon Labador Sarado Agad!Kawawang Staff Nawalan Din Ng Trabaho!!!

Martes, Marso 28, 2023

/ by Jerome

 


Inanunsyo ng Motivational Speaker na si Rendon Labador na isasara niya ang kanyang restaurant at bar pagkatapos ng flop grand opening nito noong March 25, 2023.


Bagaman nanatiling positibo si Rendon Labador ay aminado siyang flop ang event at lugi ang investment sa grand opening ng kanyang resto bar.


Dalawang araw pa nga lang matapos ang opening ay inanunsyo niyang pansamantala muna niyang isasara ang kanyang resto bar.


Saad ni Rendon, "LUGI ANG EVENT, LUGI ANG INVESTMENT KO sa grand opening concert ng Episode Bar + Kitchen Pero kahit na ganon ang ngyari, sa positive side parin tayo tumingin at kunin ang mga lessons for us to be better. Eto ang nakita ko at mga na realize."


Ipinahayag din niya ang kanyang Sunday Realization, sabi niya, Ang assessment ko sa nangyari na ZERO TICKET SALES, sa grand opening concert ng @episodebarandkitchen. 


Una, "Masyadong madamdamin ang mga fans ni Coco. Pinersonal ako.


Pangalawa: "Baka lahat ng fans ni Coco ay palamunin lang, kaya kahit 2,000 na ticket ay hindi ma afford."


Ibigsabihin lahat ng mga fans ni Coco ay walang mga pera. Sabagay magkakaibang market naman talaga.


Dagdag paniya, "Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa ngyari."


"I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I’LL BE STRONGER THAN BEFORE. #stayMotivated"


Ngunit may mga naniniwala ring hindi pa talaga nagbubukas ang restaurant nito at gawa-gawa lamang umano nito ang lahat para mapag-usapan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo