Raquel Pempengco, Napahugot Sa Concert Ni David Foster!

Martes, Marso 28, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco ang kanyang saloobin sa katatapos lang na concert ni David Foster sa kanyang  Facebook account, kung saan nakasama nito sa stage ang ilan sa mga artista sa Pilipinas.


Ayon kay Raquel na kahit kailan ay walang makakapalit sa legendary voice ng kanyang anak na si Charice Pempengo dahil nag-iisa lamang umano ito.


Alam daw niya ang timbre ng boses na hinahanap ng composer at simula pa lang ay sinasabi na umano niya kay David Foster na one of a kind ang boses ni Charice.


"'Talagang wala pa ring ipapalit sa alaska.' Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap mo DF..sinabi ko naman sa inyo noon pa...nag iisa lang ang boses na yan. Kahit kanino mo pa ipakanta yang song mo.. Di mabibigyan ng hustista." 


Idinagdag pa niya na walang goosebumps o standing ovation dahil isa lang si Charice Pempengco at hindi ito mapapalitan ninuman.


"NO GOOSEBUMPs..NO STANDING OVATION..Nothing compares....Nag iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco. 


At para sa kaalaman ng lahat. Hinde po si DF ang nagpasikat sa kanya kundi si OPRAH...nireject nga noon ni DF si Charice. Kaya wag umasa na may isasama pa...masasaktan lang..."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo