Rendon Labador Pinagtulungan Ng Mga Rapper Kasunod Ng Kanyang Mga Hanash Kay Coco Martin!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


Tila nagsanib puwersa ang dalawang rapper na sina Smugglaz at Bassilyo laban sa mga naging pahayag ni Rendon Labador laban kay Coco Martin.


Sina Bassilyo at Smugglaz ay parehong napabilang sa teleseryeng Ang Batang Quiapo ng aktor-direktor na si Coco Martin.


Matatandaang sinita ni Rendon si Coco Martin dahil sa balitang marami raw sa mga nagtitinda sa Quiapo ang pumapalag na dahil nawawalan ng kita at naiistorbo sa shooting ng FPJ’s Batang Quiapo.


Hinamon pa ni Rendon si Coco na itigil na lang ang palabas para wala nang maistorbong mga nagtitinda roon.


Sa comment section ng isang post nakipagsagutan ang dalawa laban kay Rendon.


Komento ni Smugglaz, “Tol nagne-name drop ka na ah at nagsalita ng mga di maganda paalala lang din hindi kami mga Cartoons dito mga totoong tao kami sana kaya mo din s’ya sabihin nang harapan tutal malaki ka na po.”


“Pwede naman talakayin ‘yang isyu ng di ka nagbabanggit ng kung ano-ano sa tao at sa buong Batang Quiapo. Di nyo kami katulad na sa bawat isyu lagi kayo nakasabit at maingay sa socmed na kala mo mga superhero ng bansa.


“Wala ka naman maibigay na solusyon gusto mo lang pasiklabin ang galit ng ibang tao at gamitin ang konting di pagkakaintdihan para sa interes mo. Kailan po ba yung sinasabi mong dadaan ka? Para maayos namin ang trapik.”


Samantala hirit naman ni Bassilyo, “Pre tumigil ka na nakikiusap kami sa’yo para hindi na lumala pa itong ingay na ginagawa mo isang isa na lang… Isang labas mo pa ng video na may panghe-hate sa batang quiapo… kaya pls.. tumigil ka na kapag talagang hindi ka tumigil… ako ang titigil.”


Subalit sinagot lamang sila ni Rendon na ipinaglalaban niya lamang ang mga vendors na naghahanapbuhay sa Quiapo na apektado na sa nagaganap na shooting roon.


“Alam ninyo kahit magsama-sama pa kayong lahat wala akong pakialam sa inyo. Pinaglalaban mo ang mga kawawang vendors ng Quiapo. Coco Martin, huwag kang magtago sa likod ng mga laos na rappers. Gusto ko lang maging patas ka sa mga maliit nating negosyante.”






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo