Paolo Contis Isiniwalat Ang Panloloko Sa Kanya Ng Dating Karelasyon!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Ibinunyag ng Kapuso comedian at actor na si Paolo Contis na minsan na din siyang niloko ng isa sa mga ex-girlfriend niya.


Sa pinakahuling episode, "Just In! ” sa YouTube channel ng Sparkle GMA Talent Center, ibinunyag ng Kapuso actor ang ilang detalye tungkol sa dati niyang mga romantic relationship. 


Si Paolo ang host ng show, kung saan tampok ang dalawang young Sparkle actors na sina Royce Cabrera at Kokoy De Santos.


Sa kanilang pag-uusap, inusisa ni Paolo ang edad ni Kokoy noong una siyang makipag-date. Sinabi ni Kokoy na una siyang nakipagrelasyon noong siya ay 18 taong gulang.


Pagkatapos ay isiniwalat ni Paolo, kung paano siya di-nump ng kanyang kasintahan. 


Inamin din ni Kokoy na mayroon silang long-distance relationship dahil sa hinala niyang may ibang nobyo ang kanyang girlfriend sa lugar nito. Nabanggit din ni Kokoy na narinig niya itong may kausap sa cellphone.


Nakita din umano ni Kokoy na may ibang kasama ang kanyang girlfriend sa ilang mga larawan.


Dito na ipinahayag ni Paolo na nakarelate siya sa pinagdaanan ni Kokoy dahil naranasan na rin niyang lokohin ng dati niyang karelasyon.


“Nangyari sa akin yan eh, nagbakasyon yung isa sa mga naging girlfriend ko tapos umuwi. Nagpadala ngayon ng photo album yung lalaki parang regalo. Di siguro alam na ako ang mag re-receive. Pagbukas o puro picture nila oh, sunset, naghahalikan."


“Palusot sa akin kasi photographer siya, anong photographer, kayong dalawa nasa picture ah… ayon nalaos,” pahayag ni Paolo.


Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing pahayag ni Paolo. Binalikan pa ng ilan ang panloloko ni Paolo sa kanyang mga dating kasintahan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo