Ogie Diaz Nag-Sorry Kay Liza Soberano Kasunod Ng Pagtatampo Nang Dating Alaga!

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


 Humingi na ng paumanhin ang dating talent manager ng aktres na si Liza Soberano, na si Ogie Diaz matapos aminin ng aktres na nagtatampo siya rito dahil pakiramdam umano niya ay kinakalaban siya nito at sinisira sa mga netizens.


Nag-sorry si Ogie Diaz kay Liza Soberano dahil na-offend niya ito sa kanyang mga pahayag sa kanyang vlog.


Matatandaan na ipinahayag ni Liza Soberano ang kanyang pagtatampo kay Ogie Diaz dahil sa pagsisinungaling umano nito tungkol sa natatanggap na komisyon.


Pakiramdam din umano ng aktres na kinakalaban siya at sinisiraan nito.


Sa kanyang vlog, humingi ng tawad si Ogie kung ganoon ang nararamdaman ng dati niyang alaga.


“Sorry anak kung in any way na-offend kita or feeling mo kinalaban kita or feeling mo kinokontra kita. Kasi wala akong matandaan na kinontra kita. Kundi sinasabi ko lang kung ano ‘yung sa alam ko ‘yung totoo.”


Paglilinaw pa ni Ogie Diaz na hindi niya intensyon na siraan ito at kalabanin.


Isiniwalat din ni Ogie Diaz na hindi siya na-offend kahit pa sinabi ni Liza na sinungaling siya at kung ano-ano pa. Bagkus ay nalulungkot siya sa mga nangyayari.


Ipinahayag pa ni Ogie na tila wala na siyang magagawa dahil kailangan rin niyang dipensahan ang kanyang sarili dahil nakakatanggap na rin siya ng mga pambabatikos.


“Basta ako anak, hindi ako na-offend. Mas nalulungkot ako kaysa nao-offend ako. Nalulungkot ako kung bakit kailangan mangyari ito. Kung bakit kailangan ihayag mo ang damdamin mo."


"Kailangan ko rin naman ihayag ang damdamin ko sa issue kasi napararatangan din ako. Pero kung na-offend ka anak, sorry. Hindi sa hindi ko sinasadya iyon kundi gusto ko lamang sabihin kung ano naman ang panig ko, lalo na at nandoon tayo sa point na pareho tayong dyina-judge ng mga tao.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo