Ogie Diaz, Kinuyog Umano Ng Ibang Mga TV Crew Sa Event!

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay dumalo sina Ogie Diaz at kanyang mga co-host sa isang prestigious event, ng 17th anniversary ng Nice Print Photography.


Sa kamakailang episode ng kanilang showbiz update sa Youtube ibinahagi nina Mama Loi na maraming mga TV network crews ang lumapit kay Ogie Diaz para magtanong.


Subalit ayon kina Mama Loi ay todo iwas naman ang showbiz insider.


"Yung iba't ibang mga TV network crew na andun, diba kinuyog ka? Ang galing galing niyang umiwas. Gustong itanong mga press sayo kung ano na ang latest," pagsisiwalat ni Mama Loi.


Samantala, ayon kay Ogie Diaz ay mas pinili niyang manahimik nalang dahil naglabas naman na ng saloobin ang magkabilang kampo hinggil sa isyu.


"Well, ang latest po ay hindi ko sila sinagot. Hindi sa naging KJ ako, Loi, oo kasi syempre ang tahimik na nga tas gusto ko pang guluhin. Tahimik na nga, magsasalita ka pa. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin, okay na yun."


"Nasabi na ng kabilang panig ang gusto nilang sabihin, eh di okay na rin yun. Hindi dahil nagiging KJ ako 'no, kundi tama na, okay na yun," pagpapaliwanag ni Ogie Diaz.


Dagdag pa ni Ogie na kailangan niyang umiwas dahil tapos na umano iyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo