Ogie Diaz Isiniwalat Ang Pandededma Sa Kanya Ni Liza Soberano!

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


 Inilabas na ni Ogie Diaz ang kanyang side sa isyu nila ng dating alaga na si Liza Soberano.


Matatandaan na sa panayam ni Tito Boy Abunda ipinahayag ni Liza Soberano na nagtatampo siya sa kanyang Tito Ogie, na dati niyang manager dahil pakiramdam umano niya ay sinisiraan siya nito at kinakalaban.


Isa sa himutok ni Liza ay ang hindi umano pag reach-out sa kanya ni Ogie Diaz bago ito naglabas ng mga pahayag na para sa kanya ay masakit na at nakakasira.


“Ang pinagtatampo ni Liza sa akin, sabi niya kay Kuya Boy, kung bakit daw hindi ako nag-reach out sa kanya,” pahayag ni Ogie Diaz.


Subalit, bago pa man umano nito ipinalabas ang kanyang This is Me vlog ay nagmessage na umano si Ogie Diaz kay Liza. Noong panahon nabura ang lahat ng post nito sa pag-aakalang na-hack ang account nito.


Tinanong umano ni Ogie Diaz si Liza kung may tumutulong na ba na maibalik ang kanyang account dahil sa pag-aakala ng dating talent talent manager ay nahack ang account ng aktres.


Subalit, hindi man lang umano sinagot ni Liza ang tanong na ito ni Ogie Diaz. Ipinakita pa ito ng Ogie sa kanyang vlog ang conversation nila na wala ngang sagot ni Liza.


Paglilinaw pa ni Ogie Diaz na kaya lang naman siya gumawa ng video bilang reaction sa vlog ni Liza ay upang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil nababash na umanos sila dahil sa sinasabing pangangahon nila sa aktres.


“Kasi nag-vlog si Liza, alin ba nauna?” ayon sa talent manager. 


“Nag-react ako kasi ‘yung sa narrative niya… na-bash din naman kasi kami ‘yung lumalabas na kinahon namin siya.


‘Since ayon na ‘yung nasa vlog niya, at hindi naman din siya sumasagot sa akin at nai-public ‘yung vlog niya, natural ipagtatanggol ko ‘yung sarili ko.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo