Ogie Diaz, Di Kinaya Ginamit Na Pic Niya Sa Isang Quote Card! May Dalang B@ril

Biyernes, Marso 10, 2023

/ by Lovely


 Agad na nirepost ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang isang qoute card kung saan makikita sa ang kanyang larawan.


Makikita sa larawan ang gigil niyang ekspresyon na nakakagat labi pa. May hawak din siya baril dito na tila ba ay handa nang makipagbakbakan.


Mababasa naman sa card ang naging bwelta niya kay Jeffrey Oh, CEO ng Careless, hinggil sa natanggap umanong imbitasyon ni Liza Soberano mula sa Marvel.


"Di ko naman kinaya yung picture kong may baril, gigil na gigil yarn?" caption ni Ogie sa kanyang Instagram stories.


"Jusko naman, Mr. Jeffrey, kinukwestyon mo yung 10 years naming pagma-manage kay Liza. Mas nakakahiya naman siguro kung sa loob ng 10 years na yun eh wala namang nangyari kay Liza...," bahagi ng pahayag ni Ogie Diaz sa nasabing qoute card.


Matatandaan na umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang inilabas na pahayag ng Careless CEO na si Jeffrey Oh, na nakatanggap umano ng imbitasyon si Liza para mag-audition sa isang role ng Spider-Man: Homecoming.


Subalit, agad itong pinabulaanan ni Ogie Diaz na siyang manager ni Liza ng panahong iyon.


Maging si Liza ay sinabing isang fan lamang ang nagtweet nito kay kumalat pero wala naman umano siyang natanggap na personal na imbitasyon mula sa Marvel.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo