Cristy Fermin Nagreact Sa Nabalitaang Makakasama Sa Pelikula ni Direk Darryl Yap Si Toni Gonzaga!

Biyernes, Marso 10, 2023

/ by Lovely


 Hindi umano akalain ni Manay Cristy Fermin na sa dinarami-rami ng mga artista ay isa pala si Toni Gonzaga sa makakasama sa pelikula ni Direk Darryl Yap.


Ibinahagi ni Wendell Alvarez sa kanilang vlog ang nabalitaan nitong isa si Toni sa magiging cast sa panibagong pelikula ng controversial direktor.


Isa umano si Toni Gonzaga sa cast ng Mabuhay, Aloha, Mabuhay kung saan gaganap umanong PBBM si Aga Muhlach.


"Kaya bang labanan ng positivity ni Direk Daryl ang negativity ng mga artista niya?" prangkang pahayag ni Cristy Fermin para kay Darryl Yap.


May pangamba rin si Cristy, sa posibilidad umanong ito ang magiging unang pagkakataon na hindi maging maganda ang pagtugon ng mga manonood sa pelikulang gagawin ni Direk Darryl. 


"Baka ngayon pa lang makatikim si Direk Daryl Yap ng lumalagatok na flopsina," ani Cristy.


Gayunpaman, naniniwala ang isang kasamahan ni Cristy Fermin na si Romel Chika na lahat ay malalampasan ng kontrobersyal direktor.


Matatandaan na noon pa man ay marami nang kumuntra at bumatikos sa mga pelikulang inilabas ni Darryl Yap dahil binabago umano nito ang kasaysayan ng bansa sa panahon ng Martial Law noong si Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang nangulo sa bansa.


Samantala, ayon sa ilang mga impormasyong aming nakalap kasalukuyang nagbabakasyon ngayon ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga matapos ang pambabatikos na nakuha nila noong January.


"Kapag negatibong-negatibo ka ngayon, malay mo magbakasyon muna kayo. Magpalipas muna kayo ng ilang panahon. Pagbalik ninyo, okay na 'yan" 





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo