Marco Gumabao at Cristine Reyes May ‘No Label Relationship’!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng aktor na si Marco Gumabao ang totoong estado ng relasyon nila ng aktres na si Cristine Reyes.


Matatandaan na naging usap-usapan online ang larawan nina Marco at Cristine na magkaholding hands.


Kaya naman sa naganap na mediacon para sa comedy teleseries na Kurdapya, nilinaw na ni Marco Gumabao ang real score sa pagitan nilang dalawa.


“What we have now is special, I would say. Ayoko munang magsabi ng mga label-label na ganyan,” unang sagot ni Marco sa tanong tungkol sa kanila ni Cristine.


Ibinahagi rin ni Marco na noon pa sila magkakilala at kaibigan ni Cristine Reyes.


“Kami ni Cristine, we’ve worked together since 2015, first teleserye ko kasama ko siya sa Tubig at Langis. And I can say we have formed a relationship, a good solid friendship throughout the years,” pahayag pa ng aktor.


Sa ngayon ay hindi pa matukoy ni Marco kung hanggang saan aabot ang getting to know stage nila ni Cristine Reyes, dahil hinihintay pa umano niya ang aktres.


Gayunpaman, malinaw na sinabi ni Marco na kaagad niyang ipapaalam sa media kung ano man ang kahihinatnan ng relasyon nila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo