Maniningil Ng Utang Sinisisi Ni Mystica Sa Nangyari Sa Kanyang Anak!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely


Hindi naitago ng dating aktres na si Mystica, na kilala bilang ‘split queen’ ng Philippine television, ang kanyang pagkadismaya sa tao na pinilit umanong magbayad ng utang sa kanyang nag-iisang anak na si Stanley Villanueva.


Matatandaang pumanaw si Stanley Villaneuva noong March 20 matapos labanan ang ilang problema sa kalusugan na may kinalaman sa puso at atay.


Sa kanyang social media post, binanggit ni Mystica ang isang Maria Paolo Hines na pinilit umano si Stanley na magbayad ng 16,000 matapos masira ng huli ang kanyang sasakyan.


Naniniwala umano si Mystica na ang panggigipit ni Maria ang nakapagpalala sa kondisyon ng anak.


"ALALAHANIN MO MARIA PAOLA JOSON HINES, HINDI NAGWAGI SI HUDAS SA PAGKAGANID NIYA SA PERA AT BAHALA NA RIN ANG ATING LORD JESUS CHRIST NA MAGPAPARUSA KUNG ANO ANG NARARAPAT PARA SA’YO!"


"I’M SURE MASAYA KA NA NA IKAW ANG NAGING DAHILAN NG LAHAT KUNG BAKIT NAPUNTA SA HOSPITAL AT MAS NAGING KRITIKAL ANG KANYANG KUNDISYON INSPITE OF YOU KNOWING FROM THE START NA MAY SAKIT ANG ANAK KO!"


"AT NGAYONG NATULUYAN NA SIYA, SANA MAKAKATULOG KA PA NG MAHIMBING AT SANA HINDI MAPUPUNTA ANG KALULUWA MONG WALANG-AWA AT GANID SA PERA SA IMPIYERNO!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo